Tuesday, June 4, 2013

Be the Date Like No Other

This post is labeled under Personal Development

Are you one of those who feel unease when setting up a date, gathering, or simply throwing a treat. As experts say, man is a “social animal”.  The need to interact with other human beings (other than family) is a part of life you can’t avoid.

The whole point of making a plan is for others to enjoy the camaraderie once you are given the chance to host an event.  Not necessarily a-different-kind-of-experience type, bringing pleasure to a group (or a date) is enough to prove yourself worthy on the opportunity given to you.

First rule:  Plan

I ate once at a not-so-popular diner one evening.  The place is simple, the food was presentably organized, and reasonably priced.  An idea came to me to invite my friends and try the place out.  During those time, I was still attending a week-long seminar and was required to put up a treat the next day for our group lunch.  I thought my problem was solved…

I asked the cashier if they have branch near to where our seminar is being held.  She can’t give me a straight answer then for the information I have asked.  I looked it up in the internet for the branches they have nearby.

Because I was not sure of the place and the time of its opening, considering the distance and the one-hour lunch break given to us, it would be irrational to push with my plans.  (Hmm, first attempt failed?)

Surprise treat of one of the few students on my 42nd Birthday.

Second rule:  Have Plan B

The first plan was not possible. I looked for an alternative.  The diner must be near to the seminar venue so we won’t be stressed once we go back.

Next Dilemna:  Fast-food is a no-no.  It should not be expensive;  it should be different than the usual food we eat; and everyone should have fun! 

Given all the choices available, boom!  Italian restaurant?  Hey, is this place pricey?  Let me check first their menu.  What are these foods?  You can’t even pronounce it and seems expensive.  Oh, well!  Why not?  I’ll just use charm when all else fail.

Ultimate rule:  Have fun

Lunch time.  I asked the group on where they like to eat.  We’re four of us.  I said the place.  Someone objects that one from our group does not eat pasta.  At the end, there was a consensus:  everyone agreed to my suggestion.  (Of course they would!  Did they forget I was the one throwing the treat?)

I asked everyone if they had already checked out the place.  Someone mentioned one or two of the few times.  But to the other two, not yet (me included)!
At the place, I waiter gave us the menu:

ME:  (addressing the waiter)  Hey, how are you doing?  Here’s a thing.  I’m on a limited budget right now but I want my friends to enjoy our time here.  Can you suggest a setup for us to have a nice time?  It should be the best as if you were the one who invited your friends over.  We should have your famous dessert.  That should be included in the setup.

WAITER:  Sir, you can try __________.  I will serve your dessert after you finish the main course.

ME:  (addressing the group) Any thoughts on what he said?  (Someone added a few changes on the recommended menu).  Ok, good to go!

It took a while before the food was served.  While waiting, the group happily talked about the bloopers observed during the seminar.  On how the lecturer handled the situation to cover up the errors in a discrete way.

The food was served and the conversation continued.  One of us suggested of what we could implement the inputs of the seminar once we go back to the workplace.  The dessert was served.  I silently observed the reactions of each one if they enjoyed our experience in the place.  Everyone seemed happy.

We paid the bill.  The waiter gave us a 500-peso bill insisting that we paid more.  We returned the 500-peso and informed the waiter that we are sure we paid close to the exact amount and the money was not ours.   We left the place 20 minutes after 1PM. 

“Oh, are we late for the seminar?”, I asked everyone.

Funny thing was almost all of the seminar attendees left the food places within the area at the same time.  We were laughing with our lungs out going back to the venue.


It is sometimes stressful to get things done just to impress a date.  Thoughts of what they will after if you failed to make a mark because you are ill-prepared.  Here are some tips:

  1. Try new experience.  The element of surprise losses it essence if you stick with the tried-tested formula.  Because you don’t want to commit a mistake, you are hesitant to leave your comfort zone. You can turn the tables if you want.  Instead of you being stressed out from the preparation,  let your date have all the anxiety of guessing of what would be the next to expect.  Let the fun begin; go with the flow.
  2. Ask.  Because you are the host of the event, you are expected of what food you suppose to order.  Initiate the idea of what should you order.  Have you noticed I checked diners’ websites first before the event?  Do not forget that the experts on the place are the people who are operating it (waiters, food handlers, manager).  Ask them what is the “specialty of the house” to have a pleasurable dining experience.  Don’t be bothered of what your date will think or the waiter you are asking for suggestions.  You’ll get their admiration for being candid and honest; of course,  be confident while asking.  Just tell them of what you want and people are happy to help and create also an impression about what they can do. Have faith on people.
  3.  Listen attentively.  Most of the people are eager to tell their side of story.  A few of them forget that productive conversation takes place if there are two roles played:  one who talks and the other listens.  Let others shine especially people who seldom talk.  Do follow-up questions.  Assume the role of a listener.  People will not forget those who listens and how good they feel relating the story.
  4. Resist temptations.  One positive experience may be ruined by a negative factor during the event.  Avoid topics that may degrade others.  Interrupt with wit if someone tries to insert a topic that may malign other people.  Look for a more productive topic.

Did I mention that my money was not enough before the treat?  I already borrowed few bucks to a colleague before reaching the place.  To think of situation we went through, I may not even have to owe anyone should I accepted the 500-pesos returned to us.  Again, this is a temptation that may ruin the experience and you should pass on this with flying colors.

The secret in having a wonderful and positive experience is to be honest on whatever you do.  You may be short on words but people will still ask of you because of the integrity and respect you possess.


Saturday, June 1, 2013

Maging isang Neutron sa Pakikipagkapwa-tao

Sa pag-inog ng kaalaman ng tao sa siyensia, napag-alaman na ang structure ng atom ay may tinatawag pang sub-atomika. Binubuo ito ng electron , proton, at neutron (ang huling magkasunod ay tinatawag na nucleus).

Ang co-existence ng proton at electron sa loob ng atom ay kahayagan ng balanseng agawan ng dalawang pwersa: positibo at negatibo. Kung ikaw ay titingin sa Table of Elements, malalaman mo na sinusukat ang mass(bigat) ng atom ay nakabatay sa bilang ng existence ng proton. Sadyang nakapangyayari parin ang positibong aspeto ng elements kung iyong wawariin.

Si  James Chadwick ay ang scientist na nakadiskubre ng existence ng neutron. Sinabi niya na hindi lang proton at electron ang komposisyon ng atom; may neutron din. Ang katangian ng neutron ay neutral ito kaya ito ay may katangian makakabit sa positively charge na proton. Sinasabing kung mas marami ang neuron sa loob ng atom tulad ng Carbon-14, ito ay magiging radioactive. Pag radioactive ang isang elemento, ito ay may katangiang makahawa o makaimpluwensia sa mga nakapaligid na iba pang elemento.


Kung ikaw ay mapagmasid, ang negatibo at positibong pwersa ay laging presente sa lahat ng aspeto ng buhay ng tao. Kung saan ka papanig sa dalawang pwersang ito ay nasa sayo ang desisyon. Kaya nga tayo binigyan ng free will, hindi ba? Ngunit sasabihin mo, may tao bang papanig sa mali? Gusto ng tao laging kumampi sa tama. Walang tao na matino ang isip na pipiliin ay ang mali o ang negatibong pwersa. 

Magandang pakinggan ngunit iba sa totoong nangyayari. 

At sasabihin naman ng iba: “Puro tama ang naging desisyon ko sa buhay. Positibo akong tao. Hindi man lahat ng mga binalak ko ay natupad, ngunit karamihan ay nagawa ko ng may pagtatagumpay dahil sa positibong pananaw…” Kung ang buhay mo ay umunlad dahil sa tamang pagsunod ng sistemang pinaiiral, isang katangian yan. Ngunit bakit kakaunti lang ang nakakasunod? Ano ang nangyari sa karamihan? Hindi kaya biktima sila ng maling sistema? Na sa kinalaunan ay ikaw rin ay magpapatupad ng sistemang iyong kinagisnan. 

Tandaan: Ang positibong aspeto na nahaluan ng kakaunting negatibo ay negatibo pa rin


Papano mo ba lalabanan ang kinagisnan na pag-uugali na kinalakihan ng karamihan? Natatandaan mo pa ba yung paala-ala sa telebisyon: “Ang ginagawa ng matanda(na mali), sa mata ng bata, ay nagiging tama…” 

Kailan ka ba sumagot ng maayos sa bata na nanghihingi ng pera sayo? Imbes na ang isagot mo sa bata ay “Wala akong sapat na pera para bigyan ka pa” , ang isasagot mo dahil sa katamarang magpaliwanag ay simpleng “WALA!” kahit alam ng bata na mayroon dahil narinig niyang kumalansing ang bulsa mo. 

Papano ba nabubuo ang kasinungalingan at kawalan ng tiwala? Sinasabi ng eksperto na ang experienciang paulit-ulit na tumanim sa sub-concious level ay tunay na damdaming nabubuo sa pagkatao. Ilan beses na bang nagsinungaling sa yo ang tao (lalu na yung malalapit pa sayo) sa mga simpleng bagay? Kailan ka ba nagsabi na naniniwala ka sa sinasabi ng isang tao (conscious level) ngunit iba ang naging reaction mo (na parang hindi naniniwala) pag daan lamang ng ilang saglit na panahon. 

Hindi kita masisi. 

Bakit hindi ka kaya mag-experimento minsan? Sumipot ka sa lugar at sa takdang oras na pinag-usapan ninyo ng kausap mo. Paniwalaan mo siya na darating siya ay darating sa oras ng walang pag-aalinlangan. Kung dumating siya ng late, huwag mo siyang sitahin. Huwag mong ipuntos sa kanya ang pagdating niya ng late. Lawakan ang pang-unawa. Tignan mo ang mangyayari. 

Simula yan ng iyong pagbabago. 


Kung mayroon humihingi ng pera o tulong sayo, nasubukan mo na bang magtanong kung bakit siya humihingi ng tulong? Dahil sa hiya mong umusisa na kung saan niya gagamitin ang tulong na ibibigay mo, hindi ka na magtatanong at bibigyan mo na lang kahit labag sa kalooban mo (negatibong ugali). 

Ayaw mo siyang mapahiya o mag-isip na wala kang tiwala sa kanya sa iyong pag-uusisa, hindi mo na aalamin kung kailan ka niya babayaran (negatibo ulit). 

Ayaw mo siyang mapahiya o ayaw mo siyang mag-isip nang hindi tama tungkol sayo? Magkaiba yon. Yung isa ay nagpapahalaga sa damdamin ng iba; yun isa ay ego o makasariling pagpapahalaga sa sarili. 

“Para namang sa sitwasyon na yan, wala akong tamang lulugaran..”, maaaring masabi mo. 

Mayroon. Magtanong at makipag-usap ng mahinahon. Ang mausisang pagtatanong ay nagsisimula lang sa una. Kapag nai-establish na ang pagtitiwala at kahit paulit-ulit pa ang paghingi ng tulong o pabor, hindi na paulit-ulit ang pagtatanong. Hindi ba may mga kasabihan tayo: “Lahat naman ay nadadaan sa [maayos na] usapan…, Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwag…, Magsabi ka lang, nanginginig pa!” 


Minsan sa aking buhay ay nagtungo ako sa isang opisina upang kunin ang provisional receipt na aking unang ibinigay sa kanilang tanggapan kapalit ng original receipt mula sa kumpanyang kinuhanan ko ng serbisyo. Dahil ni-require ng nag-issue ng OR na maibalik ang provisional receipt na naunang nai-issue nila, bumalik ako doon sa opisina kung saan ko inilagak ang nasasabing resibo. 

Noong una akong tumungo sa nasabing opisina, may isang lalaking kawani nasa 30 anyos pataas ang nag-volunteer upang tanggapin ang provisional receipt na inisumite ko. Ako’y nagpasalamat sa kanya at agad na umalis. 

Bumalik ako sa nasabing opisina ng sumunod na araw upang isumite yung Original Receipt na na-issue na, pero hindi ko nakuha yung provisional receipt bilang kapalit dahil naramdaman ko na busy sila sa pagtratrabaho. Ako ay nagsabi na muli akong babalik sa ibang araw para kunin ang nasabing resibo. Wala sa pagkakataong yon yung lalaking tumanggap ng provisional receipt na isinabmit ko nuong una. 

Pagkabalik ko sa opisinang yaon, nandoon ulit yung lalaking tumanggap nuong provisional receipt. Ipinaliwanag ko sa kanya ang aking pakay na kunin ang provisional receipt: 

LALAKING NAGVOLUNTEER: Kanino mo ba binigay yung provisional receipt? 

AKO: Sa inyo po. 

LALAKING NAGVOLUNTEER: Ha? Wala akong tinatanggap na resibo. Sigurado ka bang sa akin mo ibinigay? Hindi ako ang may responsibilidad dyan. 

AKO: (Naramdaman ang kuntodong pagsisinungaling, hindi ako nagpakita ng anumang uri ng pagkainis: Deadma.) Sige po. Sinu po ba ang may hawak ng mga resibo? Sa kanya na lang po ako lalapit. 

LALAKING NAGVOLUNTEER: Si ________. Kaya lang half-day siya. Mamaya pa siya papasok. Sigurado ka bang sa akin mo ibinigay? Wala akong natatanggap. Hindi ako ang may hawak dyan. 

AKO: (Natawa sa sarili sa pagiging defensive niya. Nasubukan si kuya). Wag na po kayong mag-alala. Ok na po. 

Sinamahan niya ako hanggang lumabas sa pintuan ng kanilang tanggapan. Ang hirap talagang kalaban ang sariling konsensya. Bumalik ako sa kanilang opisina sa kinahapunan at nakuha ang aking pakay. 

Kung nagpakita ako ng negatibong reaksyon sa sitwasyong yon, maaaring nagtaasan kami ng boses, nag-away at hindi na magbalak bumalik sa opisinang yaon dahil sa inis. Pag ganon ang nangyari, hindi ko makukuha yung provisional receipt na ipinangako ko rin na ibabalik sa araw ding yon sa kumpanyang kinausap namin. Double whammy bale ang mangyayari. Sira na ang pakikipagrelasyon ko sa taong nagsinungaling sa akin at sa taong pinangakuan kong ibibigay na yung provisional receipt. 


Hindi madaling magbago kung lumaki ka at nabuhay sa negatibong environment. Kailangan habaan mo ang pasensia at maging dedikado sa gusto mong magbago sa takbo ng buhay mo. Dapat mong paalalahanan ang sarili mo tuwing gumigising ka sa umaga na maaari kang ibalik sa dati mong nakagawian na gusto mong baguhin. Kaya pati isip ay tinuturuan upang magbago ng pananaw. Kung hindi mo pa nabasa yung tip kung papano ito baguhin, i-click mo ito

Positibong mindset ang kailangan. 

Huwag kang maniwala (lagi) sa batas ni Isaac Newton: In every action, there is an equal reaction.

Iba ang pagkalalang sa ating tao. Tayo lang ang biniyayaan ng free will sa lahat ng nilalang. Hindi kailangan sumimpatya ka sa nakakahawang kalungkutan. Hindi ka dapat laging sumama sa pagtawa sa joke ng komedyanteng inaalipusta ang kapintasan ng ibang tao. Positibo ang maging maligaya at masaya pero hindi sa paraan ibinababa mo ang dangal ng iba. Negatibong aspeto na nakamaskara sa positibong reaksyon ay negatibo pa rin. 

Gumaya tayo kay pareng Neutron. Siya ang nagpapanatili ng kaayusan upang matahimik na mag-coexist ang electrons at protons sa loob ng atom. 

Kung ang atom ay nasobrahan ng excitement ng mga electrons, ito ay nagiging negatively charged; kung nasobrahan naman ang protons, ito ay nagiging positively charged. Parehas nakakahawa. 

Nagiging unstable din ang atom kung ito ay nasosobrahan ng neutrons. Ito ay nagiging radioactive at posibleng mag isplit pa sa dalawang panibagong atoms. So, nakakahawa rin. Dahil ang neutrons ay laging nakakabit sa protons, positibo pa rin ang katumbas. Walang kamalay-malay si electron na napanatili na ni neutron ang tahimik na pagsasama nilang dalawa ni proton. 

Anung punto ko? Hindi kailangan react ka nang react kung may nakakalungkot,nakakatawa, negatibo o positibong ugali. Ang epektibo ay maging neutral o deadma lalu na sa mga bagay na hindi mo pa naiintindihan. Hindi ka naman basta-basta mahuhusgahan dahil yung mga negatibo o positibong tao ay hindi alam ang iniisip mo. Husgahan ka man na hindi mo ma-gets, huwag mo na lang patulan. Sa iyo pa rin ang huling tawa dahil nabisto mo kung sino sila at hindi nila nahulaan kung ano ang iniisip mo habang sila ay litung-lito sa mga nangyayari. 

Hindi ko sinasabing laging tama ang maging deadma. Dapat pag-aralan ang mga bagay na hindi mo naiintindihan. Pag nalaman mo na ang dapat, gawin mo ang tama. Kailangan ipahayag mo rin ang iyong posisyon. 

Nasabi ko ba na naglalabas ng positibong enerhiya pag naghiwalay ang atom sa dalawa? Gamma rays ang tawag dito. Possible kaya dahil sa kagagawan ng neutron ay makahawa at makaimpluwensia ito sa nakapaligid dito at maging dahilan ng chain reaction? Sa palagay ko ay OO. 

Masayang marating ang panibagong level na pag-unawa kung papano umiikot ang mundo. Tahimik kang matatawa pag naisip mo. Positibo yon! 


Sunday, May 26, 2013

Ang Philosopher at ang Pilosopo

Isang 60-anyos na lalakeng propesor at ang binatang 16-anyos habang nakikinig sa awit ng APO Hiking Soceity (Batang-bata ka pa).

BINATA: Ser, naniniwala ka ba sa kantang yan?

PROPESOR: Anung punto ang ibig mong sabihin?

BINATA: Na pag bata dapat makinig lang sa nakakatanda. Kung ano sabihin sa kanya, yun na lang?

PROPESOR: Kung totoo yan at general rule, papano uunlad ang sibilisasyon kung na nanatili sa dating kaalaman ng matatanda na itinuturo sa bata?

BINATA: Eh di tama nga. Kung bibigyan kami ng pagkakataon na mailahad ang nais namin ay mas uunlad ang bayan natin, specifically, ang Pilipinas. Kasi, nakakulong tayo sa values nating mga Pilipino na huwag sasagot sa matatanda kaya hindi namin maipahayag ang aming saloobin na pumapatay sa mga bagong idea namin.

PROPESOR: Mukhang alam ko na ang direksyon ng usapang ito. Iho, papunta ka pa lang pabalik na ko.

BINATA: (pabiro) Eh ser, bakit hindi tayo nagkasalubong?

PROPESOR: Kasi ang dinaraan ko ay tuwid na daan. Baka lumiko ka?

BINATA: Mayroon bang tuwid na daan? Kahit na diretso ang direksyon ng daan, may papaahon o pataas. Papanong tuwid?

PROPESOR: Bakit sinung nagsabi na daanan o road ang pinag-uusapan natin? Way of life ang tinutukoy ko, straight not crooked(or wicked) ang ibig kong sabihin.

BINATA: (Hindi nakasagot).

PROPESOR: Totoong darami ang inyong kaalaman higit sa aming matatanda. Tanggap ko yan at hindi man aminin ng iba pang matatanda, ay katotohanan yan. Ngunit, ano ang gagawin ninyong mga bata sa inyong bagong kaalaman? Yung simpleng paggalang sa damdamin ng iba hindi niyo magawa, papano pa kung mas lumawak pa ang inyong kaalaman? Makakatulong ba yan o makapipinsala?

BINATA: Sa punto niyo ser, advocate din kayo ng pananahimik ng bata kapag may itinatanong at ayaw nang sumagot ng matatanda.

PROPESOR: Hirap sayo, hinusgahan mo ako agad. Sino naman ang nagsabi sayo na hindi kami makikinig sa inyong mga bata? Ang punto dito ay sabihin mo nang maayos nang ikaw ay pakinggan. Pero, kung sasabihin mo ito ng pasigaw o pagalit at pag-aalabin mo ang damdamin ng kaparehas mong bata, tama ba yon? Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na gumalang sa lahat?

BINATA: (Hindi nakasagot).

PROPESOR: Ang hirap sa ibang bata, pag nagtanong, gusto agad may sagot. Hindi makapaghintay; minemenos yung mga matatanda na tila hindi na nag-iisip o naninimbang dun sa itinatanong ng bata. Parang hindi nauso sa kanya(bata) yung salitang pasencia o umasa na makukuha ang sagot kung hindi man ngayon pero sa darating na panahon. Ganun ka ba?

BINATA: Sir, aalis na po ako. Salamat po sa input niyo. (hahaha, kala ko maiisahan ko si ser!)

PROPESOR: Sige, mag ingat ka. (Buti may mga bata pang naglalakas ng loob na magtanong ng ganito. Uunlad ang Pilipinas kung maigigiya sa tama yung mga ideya ng mga bata…)


Thursday, May 23, 2013


Sinusubok tayo sa ating panahon kung gaano tayo kabilis, ka-efficient na nagagawa ang ating gawain sa maikling panahon. Tinanong ko yung dati kong boss na Amerikano: “Which of these tasks you want me to finish first, sir?”. Ang sagot nia: “Well, Jerry, you have to multitask…”

Dahil nasa IT field ako naisip ko bigla at natawa: “Ano ako Windows? Multitasks?”. Isang taon lang ang ipinamalagi ko sa kumpanyang iyon.

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, hindi naka-design ang isip ng tao sa paggawa ng trabaho ng sabay-sabay. Sinabi ni Dr. Art Markman sa kanyang librong Smart Thinking na kung gusto mo ng maayos na output sa iyong iniisip, ang kailangan mo ay CONCENTRATION at FOCUS. Sa mundo na kung saan lahat ay mabilis na umiikot, ilan na nga ba sa atin ang tumitigil ng panandali upang mag-isip ng kreatibo at positibo?

Minsan ay napuna ko yung isang co-teacher ko. Tinanong ko siya: “Bakit ka nagmamadali kung maglakad, may hinahabol ka ba?”

Ang sagot niya: “Wala sir, nakasanayan ko na…”

Marami sa atin ay gumagawa ng isang bagay dahil iyon ang idinikta ng lipunan na sa kinalaunan ay kinasanayan na natin. Kinasanayan kahit hindi na pinag isipan kung bakit natin ginagawa ang isang bagay. Isang bagay na kailangan nga ba? Kailangan nga ba para ka mabuhay ng masaya?

“You keep moving fast, you forgot to stop and smell the flowers…”, sabi ng mga kano.


Hindi masama ang ma-excite lalo na kung ito ay nae-experience mo na kasama ang iyong mga kaibigan; nag-uusap, nagpla-plano ng mga posibleng magpasaya sa mas lalong produktibong gawain. Synergy ang tawag dito. Dahil ang excitement ay isang positibong katangian sa tao o sa grupo, nakakalimutan minsan ng iba na isaalang-alang ang mas mahalaga. Minsan ang positibong experiencia ay nauuwi sa kantyawan, asaran, pintasan at padalus-dalos na desisyon na nakamaskara sa mataas na atmospira ng kasiyahan.

Tandaan: Kahit ilan man kayong positibong tao at nahaluan ng isang negatibong aspeto ng di pagsang-ayon, nagiging negatibo pa rin ang experiencia.


Kumain akong mag-isa minsan sa Mang Inasal. Tumigil akong panandali pagkatapos kumain para isipin ang susunod kong dapat gawin. Napansin ko yung mga service crew sa mabilis nilang pag-ikot upang magbigay ng extra-rice o kaya ay maglinis ng pinagkainan ng mga customer. Hindi naman ganun karami ang mga customer pero ang bilis-bilis nilang magtrabaho.

Hindi ko sila masisi. Ganun kasi ang orientasyon sa kanila na dapat mabilis ang kanilang kilos. Ngunit kapuna-puna dahil sa ganung kilos ay halus tumatakbo na ang iba. Ang epekto? Tumatapon ang ibang liquid (sabaw o softdrink) pag isinisilbi na sa customer. Kinakaladkad na ang mga sapatos na lumilikha ng di karaniwang ingay sa mga taong sensitibong gaya ko. Dahil sa pag-o-obserba ko, nakalimutan yata ng mga taga-Mang Inasal na may pumasok na isang pulubi na tinapik ako para manghingi ng limos: “Ngii, sinu ka?”

Dahil sa experienciang ko doon sa lugar ay dali-dali akong umalis.

Hindi mo agad-agad mababago ang mga bagay na matagal mo nang nakasanayang gawin. Narito ang dalawang tips ko para bumagal ang mabilis na ugaling kinasanayan:

1. Maglakad. Walang problema kung papasok ka ng opisina o eskwelahan na sasakay ka. Pero kung hindi ka naman nagmamadali papauwi at pwede namang lumakad sa susunod na istasyon ng sakayan, subukan mong maglakad. Sa una, mapapansin mo na mabilis ang lakad mo. Well, sasabihin mo, hindi mabilis yon; karaniwan lang yon sa akin. Ang trick duon ay bagalan mo ng konti sa karaniwan mo. Gaano kabagal? Gayahin mo ang lakad ng isang 70 edad na babae o lalake.

Magrereklamo ka. Ang hirap non. Sa una lang yon. Kailangan ang gradual na pagbabago. Isa pang positibong katangian na hagip sa ganung pagbabago ay hahaba ang pasensya mo. Sa katapusan ng strecth ng nilakad mo ay matatawa ka pa. Nagtagumpay ka sa gusto mong gawing pagbabago, na exercise ka pa.

2. Makinig sa upbeat songs. Pumili ka ng pop (popular) songs na kinagigiliwan ng marami. Pakinggan mo siya nang malakas na hindi makakabulahaw sa kapitbahay. Ang twist: Huwag kang sumabay o sumayaw sa kanta. Kailangan ay DEADMA.

Ang ginagawa ko ay ginu-google ko ang lyrics at matahimik na pinag-aaralan ang bawat kataga ng kanta kung ito ay hindi labag sa values na dapat na nasa akin. At mapapansin mo na marami doon ay hindi ayon sa gusto mong maging ikaw. Nagtataka ka pa ba kung ano yung gusto mong gawin tama ay hindi mo magawa? Well, mag-ingat sa musikang pinakikinggan mo. Subconciously, binabago nito ang iyong pag-uugali na hindi batay sa tama.

Ang isa sa mga paborito kong pelikula na tumatak sa isip ko ay ang Replacement Killers na pinagbidahan ni Chow Yun Fat. Ito yung scene na may papatayin siya sa loob ng club. Ang background ng scene ay loud music, people dancing and drinking. Dahil porsigido siyang patayin yung target, hindi siya na-distract sa lahat ingay sa paligid niya. Well, hindi ko sinusulong ang violent films. Hindi ako nag-a-advocate nyan. Kahit negatibo yung pelikula ay nakakuha ako ng positibong perspektiba.

Ayaw mo ng tahimik? Hindi ka sanay. Ang solusyon dyan ay matuto kang manahimik. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangan magsalita ka o may gawin kang mabilis. Isipin mo yung mga pagkakataong yon at sasabihin mo sa sarili na tama nga, na dapat ay maglaan ng oras sa pananahimik.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat mabagal ka. Ang punto ko rito ay matuto kang mag-isip. Kaya nga ang unang sinasabi natin pag may nagagalit ay:

“Teh (o Tol), kalma lang…”


Friday, May 17, 2013


Sa mga oras na ito ay nai-proklama na ng Commision on Elections (COMELEC) ang mga nangungunang kandidato na nanalo sa Senado ng Pilipinas.

Maraming nagtataka kung bakit nangyari na si Senator-elect Grace Poe ay nanguna sa senatorial race. Kung pagbabasehan ang past surveys siya ay pang-anim lamang. Kahit siya nang magpahayag ay nagtaka rin kung bakit siya nakarating sa gaanong kataas na pwesto. Ang tanging naisip niyang sagot ay boto iyon para sa Tatay niya na hindi naluklok sa pwesto dahil nadaya sila (ayon sa kanya) noong 2004 Presidential Election.

Si Senator-Elect Edgardo(Sonny) Angara ay pinagtakhan din kung bakit siya nag-occupy ng pang-anim na pwesto. Nasa ika-sampung pwesto siya sa survey bago ang eleksyon. Hindi tumalab ang black propaganda kay Nancy Binay (hindi pa naiproproklama). May nagbiro nga eh. Hindi na raw tatablan si Nancy dahil maitim na siya. Pulitika nga naman. Minsan, personalan na.


Hindi maikakaila na namunini ng boto ang karamihan sa mga kumandito dahil sa pangalan ng kanilang Ama(o kamag-anak) na opisyal (o naging) rin sa gobyerno. Nataguriang BIMPO (Batang Isinubo ng Magulang sa Politika) ang mga ito na pinatatakbo ng mga TRAPO (Tradisyunal na Politician). Ano ang ibig nilang sabihin? Na sila ay gagamitin din ng mga magulang/kamag-anak sa maduming larangan ng pulitika? Gusto kong huwag sumangyon.

Laganap ang kaisipang wala nang mangyayari talaga sa Pilipinas sa kakaibang nagyari nitong nakaraang eleksyon. Kahit na ganyan ang isipang isinisiksik sa atin ay hindi ba kayo nagtataka na marami ang natatawa sa mga pangyayari? Natatawa. At least, positibo pa rin.

Sinasabi nila na ang bumubuo sa karamihan ng mga botante ay bata. Bata na “hindi alam” ang ginagawa at “walang pakialam” sa nangyayari sa paligid nila. Bata na “madaling utuin at kayang-kayang igiya” ng mga matatanda na ayon sa gusto nila kahit na masama na. Nais ko ulit na huwag sumang-ayon.


Si Grace Poe ay anak ng yumaong Fernando Poe, Jr (FPJ), hari ng pelikulang Pilipino. Ang hindi naiintindihan ng mga eksperto na ang mga batang botante ngayon ay anak ng mga magulang na nagmahal sa yumaong aktor(karamihan ay mahihirap). Nako-kornihan man ang mga bata ngayon na makitang ligayang-ligaya na pinanunuod ng mga Tatay at Nanay nila ang mga pelikula (at dating pelikula sa TV) ni FPJ, nabuo naman sa kanilang isipan (na kahit papaano) ay may naiambag si FPJ na kaligayahan sa kalunus-lunos na kahirapan na dinaranas ng kanilang magulang. Hindi ba naghahangad ang anak na masuklian (kahit papaano) at madulutan ng konting kaligayahan ang magulang na naghihirap? Kahit na sabihing mahirap ang batang botante na “hindi nag-iisip” ay may damdamin din. Higit na mas mahalaga yon kaysa sa sinasabi ng ibang tao sa TV, radyo, at diaryo.

Hindi na ako magpapalawig ng eksplanasyon kay Sonny Angara, Jr. Siya ang nagmana ng mabuting ginawa ng kanyang ama na dating senador din, Ed Angara, ang Ama ng Senior Citizen Act.

Bakit sila galit na galit kay Nancy Binay? Dahil ba siya ay anak ng Vice-President Jejomar Binay? Tandaan na siya ay dating Mayor ng Makati na nakaupo ngayon sa pangalawang pinakamataas na pwesto ng bansa. Masama ba na malaman ng buong bansa (na karamihan ay mahihirap) na libre ka sa pagpapagamot at pag-aaral kung mamamayan ka ng Makati? Huwag maliitin ang walang tigil na paghahatid ng impormasyon sa pagsasalin-salin ng mga bibig. Sa mga kumakalam ang sikmura, ang nagdudulot ng kahit kaunting ginhawa ay nagbibigay pag-asa.


Sabihin na na masama ang ama ng mga batang naluklok ngayon sa pwesto sa gobyerno, kailangan bang pagdusahan ng anak ang kasalanan ng kanilang ama? “Kung sinong walang kasalanan, siya ang unang bumato…”

Sabihin ulit na nadidiktahan ng mga magulang ang kanilang mga anak, wala ba yang sariling isip at konsensiya na dapat managot sa mga taong nagluklok sa kanila sa kapangyarihan? Hirap sa Pilipino lahat magaling. Pag ipitan na ng ulo at hindi na makapagpaliwanag, kanya-kanya nang pulasan.

Ang pintas ko lang sa mga nagsusulong ng anti-political dynasty bill ay bakit hindi nila isulong muna na ma-amiendahan ang ating Konstitusyon na mag-aalis sa karapatan ng sinuman para tumakbo sa gobyerno. May kamag-anak lang sa pwesto bawal na agad? Hindi ba Plipino ang mga yan para mo sila pagbawalan?


Charming at magandang lalaki si Mar Roxas. Galing sa buenang pamilya ng Roxas clan na naging presidente ng Pilipinas. Hindi garantiya ang pagiging bata at ganda para ka magtagumpay.

Sabi ni Nanay: “Daig ng maagap ang masipag…”

Sa mga batang nahalal sa pwesto, huwag mong ipagkamali na hindi ka matitinag dahil eksperto na sa statistika ang nagsabi na popular ka at maningning na maningning ang pangalan ng pamilya mo. Si Jejomar Binay ay nagtrabaho para makamit niya ang kanyang pwesto. Pinag-aralan niya kung paano gumagana ang makinarya ng politika. Tahimik siyang gumalaw at sinuyod ang buong Pilipinas para makamit ang minimithing pwesto. “Fortune rewards the bold…”; kailangan pa ring magtrabaho.


Sa lahat ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon: Mag-ingat kayo. Hindi tumitigil ang temptasyon upang kayo’y akitin na gumawa ng masama dahil ang kapangyarihan ay isang positibong katangian. Kapag kayo ay nahulog sa patibong, negatibo pa rin ang kahihinatnan at hindi kayo makatutupad ng inyong mga pangako nuong nakaraang 2013 eleksyon. Tumanggi kayo sa paggawa ng masama. Sumangguni kayo sa mga taong may pinatunayan na(may resulta) sa paglilingkod sa bansa.


Matagal nang dusta ang kalagayan ng Pilipinas. Panahon na na tayo’y magbago. Natatandaan mo pa ba yung sinabi ni Dr. Jose Rizal?

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Dumating na ba ang panahong iyon? Ang mga batang botante ay humihingi na pagbabago. Dinggin ninyo ang kanilang hiling. Naalala ko ang lyric ng isang political jingle: “May bagong umagang parating…”